Philippines Annual Conference East of the United Methodist Church


Tuesday, February 01, 2005

Quezon City District, PACE, UMYF Christmas Institute 2004

Compiled and edited
By Rev. Anacleto G. Guerrero
PACE Historian

.....
Note: Lifted from distributed material from CI 2004 Secretariat Committee
.....
Title: AKTIBISTA (Aktibong Metodista)
Tema:"AKO para sa PAGBABAGO"
Thrust: "Kamalayang Panlipunan"
.....
Venue: University of the Seventh Day Adventist, Silang, Cavite
Date: December 26-30, 2004
.....
Layunin:
1. Magkaroon ng kamalayan sa kalagayan ng ating panlipunan; lalong-lalo na ng mga kabataan.
2. Magkaroon ng Kristiyanong malasakit; tanda ng personal na relasyon kay Kristo.
3. Kumilos para sa kaunlaran ng kumunidad.
.....
Panimula
...Hindi madaling sabihin ngayon na "Mahal ka ng Diyos" o siguro mas tamang sabihin, hindi madaling maunawaan ito sa panahon nating lugmok sa kahirapan ng buhay.
...Sa taong gutom, walang damit, walang matirhan, o kaya'ynasa kulungan, paano ipapaliliwanag na mahal siya ng Diyos?
...Sa taong gumagawa ng masama hindi dahil gusto niya kundi dahil "kailangan" niya para mabuhay, paano mo siya hihikayating itigil ito at ipagkatiwala na lamang kay Kristo ang kanyang kinabukasan?
...Sa madaling salita, paano mo ihahayag ang mabuting balita ng kaligtasan sa gitna ng kahirapan?
.....
Isang Hamon
...Kabataan, ito ang kailangan nating pag-aralan---kung paano ipamamalas sa kapwang naghihirap ang pag-ibig ni Kristo.
...Madalas ipinanalangin natin sila. Pero sana hindi lang tayo laging nakadaop-palad sa pananalangin. Importante rin na iabot natin ang ating kamay sa maging aktibo tayo para sa pagbabago ng ating lipunan.
...Maging AKTIBISTA tayo para kay Kristo at sama-sama nating tupdin ang Kanyang kalooban para sa ating bayan.
.....
Paano ba maging Aktibista?
...KAMALAYAN. Inuunawa ng isang aktibista ang kalagayan sa buhay ng taong sinusubakan niyang bahaginan ng balita ng kaligtasan, Sa gayon, mas matutugunan niya ang mga pangangailangan nito.
...KRISTIYANONG MALASAKIT. Personal na karanasan sa pag-ibig ng Diyos ang nagtutulak sa isang aktibista na tulungan ang kapwa, hindi lang sa ispiritwal na paglago kundi sa materyal na kaginhawaan din.
...PAGKILOS. Isang malasakit na may paggawa ang ipinamamalas ng isang aktibista sa kanyang kapwa. Kinikilala niyang sa mabuting gawa lubos na magaganap ang taglay niyang Kristiyanong malasakit.
...Sa wakas ang 3 ito ang tunay na magdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, pamilya at maya-maya ng ating lipunan.


:: posted by Rev. Anacleto G. Guerrero, 8:00 AM | link | 0 comments |